Mga Madalas Itanong

Tungkol sa Google Dengue Trends

Anong impormasyon ang ibinibigay ng Google Dengue Trends?
Nagbibigay ang Google Dengue Trends ng halos real-time na pagtatantya ng aktibidad ng dengue para sa ilang bansa at rehiyon sa buong mundo batay sa pinagsama-samang mga query sa paghahanap. Ang antas ng pamantayan para sa bawat bansa ay ang average na aktibidad ng paghahanap ng dengue nito, na sinusukat sa maraming panahon. Maliban kung nilagyan ng label na "pang-eskperimento", napatotohanan na ang mga pagtatantya sa pamamagitan ng paghahambing sa opisyal na makasaysayang data ng dengue mula sa kaugnay bansa. Sa pangkalahatan, ang mga bansa na mayroong label na "pang-eksperimento" ay hindi pormal na naihambing sa opisyal na data ng dengue. Maaaring matingnan ang mga pagtatantya sa website ng Google Dengue Trends o ma-download bilang CSV file para sa pagsusuri. Gumagana ang Google Dengue Trends sa paraang ganap na katulad ng Google Flu Trends. Magbasa nang higit pa tungkol sa kung paano gumagana ang Google Flu Trends.

Paano natutukoy ang mga antas ng aktibidad ng dengue?
Inihahambing ng Google Dengue Trends ang mga pagtatantya batay sa data ng paghahanap laban sa antas ng makasaysayang pamantayan ng aktibidad ng dengue para sa lugar na iyon. Depende sa kung ang kasalukuyang pagtatantya ay mas mataas o mas mababa kaysa sa pamantayan, inuulat ng Google Dengue Trends ang pangkalahatang antas ng aktibidad bilang Minimal, Mababa, Katamtaman, Mataas, o Malala. Mayroong naaangkop na kulay ang bawat kategorya na ipinapakita sa ilalim ng graph.

Gaano katumpak at napapanahon ang impormasyong ibinibigay ng Google Dengue Trends?
Ayon sa kasaysayan, lubos na naaayon ang pambansang pagtatantya sa tradisyunal na data ng pagsubaybay na nakolekta ng mga ahensya sa kalusugan. Dahil bago pa ang Dengue Trends, bahagyang mayroong posibilidad na lumihis ang mga pagtatantya sa hinaharap mula sa aktwal na aktibidad ng dengue, ngunit umaasa kaming makakita ng mga katulad na kaugnayan sa mga darating na taon.

Mayroon bang paraan ng pag-embed sa mga chart sa aking sariling website?
Oo, mula sa bawat pahina ng bansa i-click ang link na "i-embed ang chart na ito" upang i-access ang code snippet na magbibigay-daan sa iyo na ipakita ang chart ng bansang iyon sa iyong website.

Paano tinutukoy ng Google Dengue Trends ang bansang pinagmumulan ng mga query sa paghahanap?
Ginagamit ng Google Dengue Trends ang impormasyon ng IP address mula sa mga log ng server ng Google upang gumawa ng pinakamahusay na hula tungkol sa kung saan nagmumula ang mga query.

Para sa aling mga bansa nagbibigay ng mga pagtatantya ang Google Dengue Trends?
Kasalukuyan kaming mayroong mga pagtatantya para sa mga bansang ipinapakita sa home page.

Anong mga samahan ang nagbibigay ng data ng dengue para sa bawat bansa o rehiyon?

Mayroon bang paraan ng pag-export sa data?
Oo. Ang link na "Data" sa bawat pahina ng bansa ay nagbibigay ng pagpipiliang i-download ang data bilang CSV.

Paano dapat na bigyang-kahulugan ang na-export na data?
Sa karamihan ng kaso, ang mga raw na numero sa bawat file ng data ay maipapakahulugan bilang index ng aktibidad ng dengue na sumasaklaw mula sa 0 hanggang 1. Ang pinakamataas na aktibidad na nakita para sa isang lugar ay mayroong index ng aktibidad na 1.

Kailan binabago ang mga pagtatantya sa aktibidad ng dengue?
Ang mga pagtatantya para sa kasalukuyang linggo ay ina-update araw-araw habang may nakokolektang bagong data ng query sa paghahanap. Gayunpaman, sa sandaling matapos ang isang linggo, ang pagtatantya para sa linggong iyon ay pangwakas at hindi na binabago. Ang mga linggo ng Google Dengue Trends ay nagsisimula sa Linggo at nagtatapos sa Sabado.

Magsasama ba sa hinaharap ang Google Flu Trends at Google Dengue Trends ng iba pang mga sakit?
Natuklasan ng koponan na gumagana ang pamamaraan para sa flu at para sa dengue, ngunit walang mga planong magdagdag ng mga karagdagang sakit sa oras na ito.

Paano ako makakapagpadala ng feedback tungkol sa Dengue Trends?
Mangyaring ibahagi ang iyong feedback gamit ang form na ito.

Pag-unawa sa Aktibidad ng Dengue

Ano ang dengue?
Ang dengue ay isang virus na ikinakalat ng mga lamok. Kabilang sa mga sintomas ang lagnat, pamumula ng balat, pananakit ng kasu-kasuan at mga pananakit ng ulo. Kasalukuyang walang bakuna laban sa sakit na ito.

Ano ang katangi-tangi tungkol sa diskarte ng Google kumpara sa mga tradisyunal na pamamaraan ng pangongolekta?
Tinatantya ng Google Dengue Trends ang aktibidad ng dengue para sa ilang bansa sa pamamagitan ng pinagsama-samang data ng query sa paghahanap. Binibigyan ng system ang mga user at opisyal ng pampublikong kalusugan ng halos real-time na mga pagtatantya ng aktibidad ng dengue sa kanilang rehiyon. Direktang nanggagaling ang mga ulat ng tradisyunal na pagsubaybay mula sa mga doktor at iba pang mga propesyunal sa serbisyong pangkalusugan, na minsan ay mayroong pagkaantala ng mga linggo o buwan.

Kailan kadalasang nagaganap ang panahon ng dengue?
Nag-iiba-iba ang panahon ng dengue ayon sa bansa, ngunit malamang na tumutugma sa panahon ng tag-ulan ng bansa.

Paano ako matututo nang higit pa tungkol sa dengue?
Upang matuto nang higit pa tungkol sa dengue, mangyaring kumonsulta sa Ministry of Health, World Health Organization, o network ng pagsubaybay ng dengue para sa iyong bansa o rehiyon.

Anong dapat kong gawin kung mayroong matataas na antas ng aktibidad ng dengue sa aking rehiyon?
Mangyaring kumonsulta sa tanggapan ng Ministry of Health o World Health Organization sa iyong bansa o rehiyon para sa opisyal na patnubay patungkol sa dengue.

Tungkol sa Google.org

Bahagi ba ng Google.org ang Google Dengue Trends?
Oo. Isang pagsusumikap ng Google.org ang Google Dengue Trends.

Ano ang Google.org?
Bumubuo ang Google.org ng mga teknolohiya upang makatulong na tugunan ang mga pandaigdigang hamon at sinusuportahan ang mga makabagong kasosyo sa pamamagitan ng mga grant, pamumuhunan at in-kind na mapagkukunan.

Privacy at Mga Tuntunin ng Paggamit

Kailan okay na gamitin ang impormasyong nahahanap ko sa Google Dengue Trends?
Libre kang gumamit ng anuman sa impormasyon na makita mo sa Google Dengue Trends, sasailalim sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google. Kung pinili mong gamitin ang impormasyon, mangyaring ipatungkol ito sa Google tulad nang sumusunod: "Pinagmumulan ng Data: Google Dengue Trends (http://www.google.org/denguetrends)".

Isinasapubliko ng tool na ito ang impormasyon sa paghahanap. Paano naman ang tungkol sa aking personal na data ng paghahanap?
Nananatiling ligtas at pribado ang iyong personal na data ng paghahanap. Nakabatay ang aming mga graph sa pinagsama-samang data mula sa milyun-milyong paghahanap ng Google sa paglipas ng panahon. Dagdag pa rito, ang mga ipinapakitang resulta ng Google Dengue Trends ay binubuo ng awtomatikong system. Tingnan ang aming Privacy Center para sa higit pa tungkol sa kung paano namin gagamitin ang data ng query sa paghahanap.

Maaari mo bang ipaalam sa akin ang higit pa tungkol sa kung ano ang ginagawa ng Google sa aking personal na data ng paghahanap?
Mangyaring magbasa nang higit pa sa FAQ sa Privacy ng Google.